NAGA CITY- Pinaalalahanan ng alklade ng Pili, Camarines Sur ang mga bar, restaurants and resort owners hinggil sa bagong direktiba sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).
Inilagay sa ilalim ng GCQ noong Hulyo 1 hanggang Hulyo 15, 2021 ang bayan batay na rin sa inilabas na direktiba ni Camarines Sur Governor Migz Villafuerte.
Ayun kay Mayor Tom Bongalonta, mayroong 26 na mga registered resorts at nasa apat naman ang mga bars sa nasabing bayan.
Kaugnay nito ay nagpaabot na rin ng hinaing ang mga may ari ng nasabing mga aliwan lalo na nag hinggil sa kawalan ng kita.
Ngunit wala naman anila silang magagawa kundi ang sumunod lalo na at nasa gitna pa rin ng pandemya ang buong mundo dala ng COVID-19.
Dagdag pa ni Bongalonta, wala naman aniya silang nakikitang mga establisyemento na lumalabag sa mga health protocols.
Binigyan diin pa ng alkalde na closely monitored ang mga ito ng barangay officials lalo na ng mga tauhan ng Philippine National Police dahil sa mataas ang mga nahahawaan ng nasabing nakamamatay na virus.
Kung kaya sa ngayon, patuloy pa rin ang pagpapatupad ng mga health protocols at pagpapaalala sa mga kababayan na sumunod sa mga ipinapatupad na panuntunan.









