Mismong ang abogadang si Bea Patricia Magtanong na ang nagka-countdown para sa coronation ng Miss International 2019, dalawang linggo mula ngayong araw.
Nitong weekend nang dumating na si Atty. Patch sa Tokyo, Japan, na siyang venue pa rin ng 59th Miss International pageant.
Sa mga online public posts ng Bar passer mula Bataan, nakapasyal na ito sa Mt. Fuji para sa unang araw kasama ang iba pang Miss International delegates.
Sinusulit din daw ni Magtanong ang oportunidad na makasalamuha ang nasa 80 kandidata mula sa iba’t-ibang bansa kung saan mayroon silang natututunan sa isa’t isa.
Isa si Magtanong sa 1,800 na nakapasa sa 2018 Bar Exams na sumabay sa kanyang pageant journey sa 2019 Binibining Pilipinas.
Tatangkain ni Magtanong na maibigay sa bansa ang pang-pitong Miss International crown, na noong nakaraang taon ay abot-kamay na ng Quezon beauty na si Maria Ahtisa Manalo sa kanyang pagiging first runner-up, habang wagi naman ang Venezuela na nagkataong birthday.
Nabatid na sunud-sunod ang pagkatalo ng bansa sa ilang beauty pageants noong nakaraang linggo,.
Ito ay bagama’t second runner-up si Leren Mae Bautista sa Miss Globe 2019, habang noong nakaraang taon sa parehong pageant ay nagtapos lamang ang bansa sa Top 15 sa pamamagitan ng Pinay volleyball star na si Michele Gumabao.
Bigo rin ang bansa sa pangalawa sanang Miss Globe title kasunod ni Anne Lorraine Colis noong 2015, matapos na hindi na nakapasok sa Top 20 si Samantha Ashley Lo ng Cebu.
Hindi rin nasungkit ng TV personality/events host ng Pasig na si Janelle Tee na maibigay sa Pilipinas ang pang-limang Miss Earth crown matapos na hindi na umabot sa Top 20. Noong nakaraang taon ay nakuha ni Silvia Celeste Cortesi ang Top 8 finish sa Miss Earth.