-- Advertisements --
Tuluyan nang ipinagpaliban ang gaganapin sanang bar examination ngayong taon na isinasagawa sana sa buwan ng Nobyembre.
Sa inilabas na Bar Bulletin No. 13 na pirmado ni Associate Justice at 2020 / 2021 Bar Examination Chairperson Marvic Leonen, isasagawa na ang Bar exam sa Nobyembre 2021.
Ito umano ang inaprubahan ng mga mahistrado sa isinagawang en banc session kaninang umaga.
Ang examination periods at venues og bar exam ay iaanunsiyo naman sa hiwalay na bar bulletin.
Isinasagawa ang bar exam sa apat na araw ng Linggo sa buwan ng Nobyembre.