Hindi na maibubuhos ng isang banyaga ang kanyang pagnanasa ng laman sa kanyang dating kasintahan matapos matimbog ng mga operatiba ng National Bureau of Invetigation (NBI)-Sarangani District Office (NBI-SARDO) sa General Santos City.
Ayon kay NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor, bina-blackmail umano ng subject na isang Rosman na si Hadji Ibrahim ang kanyang dating kasintahan at hiniling pa nitong makipag-sex sa kanya sa pinakahuling pagkakataon bago sila tuluyang maghiwalay.
Nagbanta pa ang subject na patuloy niyang ipapakalat ang larawan ng biktima na siya ring complainant kung hindi ito sasama sa kanya sa para sila ay magtalik.
Dahil dito, agad namang nagpasaklolo ang hindi na pinangalanang biktima sa NBI at dito na isinagawa ang entrapment operation.
Nagtungo ang complainant sa meeting place partikular sa isang lodge na matatagpuan sa Brgy. Lagao, General Santos City.
Nang nagbigay na ng go signal ay biktima ay dito na pinasok ng mga operatiba ang kuwarto ng logde.
Mistula umanong exited ang suspek sa pakikipagtalik dahil naka-half-naked na ito at suot lamang ang undergarment nang pasukin ng NBI pero ang biktima ay nakadamit pa nang maabutan sa kama.
Humaharap ngayon ang suspek sa mga kasong paglabag sa RA 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Children Act of 2004 in na may kaugnayan sa RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.
Ayon naman sa biktima, nagkaroon sila ng illicit affair ni Ibrahim mula 2017hanggang 2020.
Nakipaghiwalay daw ito noong December 2020 pero palagi pa rin umanong nagte-text at nangungulit sa kanya ang suspek.
Ang suspek ay isinalang na rin sa inquest proceeding sa Prosecutor’s Office ng General Santos City.