-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Muling sumailalim sa pagsasanay ang 10 myembro ng Bantay Pawas sa bayan ng Kabacan, Cotabato.
Ang Bantay Pawas ay inatasan na magbantay sa wildlife activity sa Barangay Cuyapon partikular sa marshland area.
Samantala, nagpasalamat si Kabacan Mayor Herlo Guzman, Jr. sa mga myembro ng Bantay Pawas na malaking maitulong sa kalikasan at seguridad.
Aniya, malaki ang natatagong yaman ng Brgy. Cuyapon bilang isa itong kilalang tahanan ng fresh water crocodile na endemic lamang sa Pilipinas.
Sa huli, siniguro ng alkalde sa pamamagitan ng MENRO na laging nakasuporta ang bayan sa adhikain ng Bantay Pawas.