Hindi pa masabi ng liderato ng House Of Representatives kung may kinalaman sa Charter Change ang natanggap na banta ng Kamara dahilan na isailalim sa heightened alert status ang seguridad.
Kinumpirma ngayong araw ni SecGen Velasco na itinaas nga sa heightened alert ang buong House of Representatives.
Nilinaw din ni Velasco na hindi kasama si Speaker Martin Romualdez sa mga natanggap nilang banta.
Nuong buwan ng Enero ilang pagkakataon nakatanggap ng bomb threat ang Kamara.
Dahil dito, sinabi ni Velasco agad nagpatupad ng security adjustment ang Legislative Security Branch.
Aniya nais nilang protektahan mga miyembro ng Kamara.
Mahigpit na ini inspeksyon ng mga security ang mga pumapasok sa loob ng Kamara partikular duon sa mga hindi house members at empleyado.
Ayon kay Velasco natanggap nila ang banta nito lamang buwan ng Enero.
Sa ngayon may mga pulis na rin ang naka deploy sa labas ng gate ng Kamara.
Pinagbabawalan na rin na pumasok sa loob ng Kamara ang mga delivery rider.
Sa panayam naman ng Bombo Radyo kay Mr Jessie Benjamin isa sa mga LSB member na may direktiba na sa kanila na maging alerto.