-- Advertisements --

Tuloy-tuloy pa rin ang banking services kaht pa simula ngayong araw ay nasa ilalim na ulit ng enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila, na tatagal naman hanggang sa Agosto 20.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, dapat magpatupad ng nararapat na hakbang ang mga bangko para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 habang tinitiyak ang tuloy-tuloy na pagserbisyo sa kasagsagan ng ECQ period.

Samantala, ang head office ng BSP sa Maynila at ang security plant complex naman nito sa Quezon City ay patuloy ding mag-operate pero sa skeleton workforce lamang para sa “mission-critical” departments at support units mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.