Lumagda ang Bankers Association of the Philippines (BAP) at ang Department of Justice (DOJ) para magtulungan sa pagsusulong ng cybersecurity awarenes at pagsawata ng mga cybercrimes sa bansa.
Sina BAP president Jose Arnulfo Veloso at Justice Secretary Menardo Guevarra ang lumagda sa memorandum of understanding sa isang virtual ceremony na idinaos.
Sa ilalim ng kanilang accord, ang BAP ang siyang mag-organisa ng public awareness information campaigns, events, at activities, kabilang ang pagbibigay ng learning sessions, katuwang ang DOJ para magbahagi ng latest trends at development sa cybersecurity.
Sinabi ni Velso na ang paglalagda nila ng DOJ sa isang kasunduan ay magpapalakas pa lalo sa partnership ng dalawang institusyon na nagsusulong nang cybersecurity.
Para naman kay Guevarra na ang MOU sa pagitan ng DOJ at BAP ay magkakaaon ng solid framework at genuine atmosphere atmosphere nang kolaborasyon at alliance sa pamamagitan ng epektibo at efficient partnership.
Base sa report ng Cybersecurity Committee ng BAP, sinabi ni Guevarra na ang damage ng banking fraud sa gitna ng pandemya ay pumalo sa P1 billion na unauthorized withdrawals at illegal transfers.