-- Advertisements --
bbm

Taus-pusong nagpasalamat ang gobyerno ng Bangsamoro kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paggawad ng amnestiya para sa mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF).

Kabilang na dito ang hindi matatawarang commitment ng pamahalaan sa Bangsamoro Peace Process at lahat ng nilagdaang peace agreements kalakip ang pagsulong ng naturang Amnesty Proclamation.

Ayon sa tagapagsalita ng Bangsamoro Government Minister na si Atty. Naguib Sinarimbo, isang mahalagang milestone ang development na ito sa pagkamit ng makabuluhan at matagalang kapayapaan sa rehiyon dahil ito ay magiging parte ng ganap na transpormasyon ng dating mga combatant tungo sa pagiging produktibo at peace-loving na mamamayang Pilipino.

Kaugnay nito, nakahanda ang Bangsamoro government na makipagtulungan sa pamahalaan para ipatupad ang mga proklamasyon ni PBBM.

Matatandaan na nitong Biyernes, ginawaran ng administrasyong Marcos ng amnestiya sa bisa ng Proclamation No. 403, 404, 405 at 406 ang mga sumusunod:

– Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade (RPMP-RPA-ABB)
– Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National – Democratic Front (CPP-NPA-NDF)
– Moro Islamic Liberation Front (MILF)
– Moro National Liberation Front (MNLF)

Iginawad ang amnestiya sa nasabing mga organisasyon na nakagawa ng mga krimen gaya ng rebelyon o paghihimagsik upang mahikayat silang magbalik loob sa ating gobyerno.