-- Advertisements --

Itinatag ng Commission on Elections (Comelec) ang Bangsamoro Electoral Office (BEO) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Nakasaad ito sa Resolution No. 10680 pursuant to Republic Act No. 11504 o mas kilala bilang Organic Law for the Bangsamoro Autonomous Region ni Muslim Mindanao.

Ayon sa poll body, ginawa ang BEO sa pamamagitan ng pag-convert sa Office ot the Regional Election Director sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

Ang BEO ay nasa ilalim ng pangangasiwa at kontrol ng Comelec at isasakatuparan ang mga responsibilidad ng Office of the Regional Election Director sa ARMM.

Sang-ayon din sa RA No. 11504, ia-accredit ng BEO ang lahat ng regional political parties na naaaprubahan ng Commission. Gayundin ang mga political parties na pasok sa qualifications ng Bangsamoro Electoral Code.