-- Advertisements --

Hindi pa matiyak ni Bangs Garcia kung makakayanan daw nito muli ang nakagawiang active lifestyle kapag nakarekober na sa pangalawang beses na pagsailalim sa C-section (Cesarean section).

Ayon sa 33-year-old actress, mahirap talagang maging motivated na mag-ehersisyo kahit nasa bahay lamang lalo’t “hands on” mom siya sa dalawang anak na ang isa ay two months old pa lamang.

Gayunman, determinado pa rin naman daw siya sa sariling motto na “self-discipline & balance” is the key.

Sa ngayon, pansamantalang fitness routine ng dating sexy actress ay ‘yaong munang mga gawaing bahay, paglalakad sa parke, at pag-aalaga sa dalawang anak na babae.

https://www.instagram.com/p/CFe3iwXlx6H/

Sa England na nakabase si Bangs o Valerie Garcia sa tunay na buhay, kasama ang napang-asawang half-British.