Sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Felipe Medalla, asahan umanong ilalabas ang bagong banknotes sa unang bahagi ng 2023.
Ginawa ito ni Medalla kaugnay pa rin ng money supply lalo na’t papalapit na ang Christmas holidays.
Sinabi ni Medalla na mayroon daw sapat na crispy banknotes at coins para sa holiday season.
Naramdaman daw ang mataas na demand nito mula buwan ng Oktubre hanggang Disyembre.
Aniya, kung titignan daw ang total physical money circulation, mayroon ang Pilipinas na P2 trillion kabilang na ang mga coins.
Nitong buwan lamang nang iprinisinta ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang banknotes na mayroon nang pirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Irerepresenta raw nito ang “fairly small part” ng pera sa circulation sa ating bansa.
Ang pinakahuling design ng P1,000 polymer banknote ay inilabas ng central bank noong December 2021.
Tampok dito ang Philippine eagle sa harap at pinalitan ang mga bayani na sina Vicente Lim, Josefa Llanes Escoda at Jose Abad Santos.
Handang-handa na raw ang Bangko Sentral ng Pilipinas na ilabas sa susunod na taon ang nasa 300 million pieces ng P1,000 polymer banknotes.