-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- – Natagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa irrigation Canal sa Purok 2, Barangay Baluarte, Santiago City.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa SCPO Station 3 ang biktima ay si Edmundo Rivera, 35 anyos, residente ng Purok 5, Tarangao, San Isidro, Diffun, Quirino.

Ang bangkay ni Rivera ay nakita ni Mark Junestine Dulay na residente ng Ambalatungan, Santiago City at ipinagbigay alam sa himpilan ng pulisya.

Sa salaysay ni Dulay habang siya ay nagmamaneho ng kanyang motorsiklo ay nakita umano nito ang palutang lutang na bangkay ng biktima sa daluyan ng tubig

Agad siyang nakipag-ugnayan sa Baluarte Patrol Base na ipinagbigay alam sa SCPO Station 3 at SOCO.

Ang bangkay ay dinala na ng mga otoridad sa Carbonel Funeral Homes .

Batay sa salaysay ng kinakasama ng biktima nakakaranas umano ng depression si Rivera tatlong buwan na ang nakakaraan.

Nais malaman ng mga kaanak ang sanhi ng kamatayan ng biktima kayat ipina-autopsy ang bangkay.