BAGUIO CITY – Nakauwi na ang labi ng dating kadete ng Philippine Military Academy (PMA) na sinasabing namatay dahil sa hazing.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Maj. Reynan Afan, PMA information oficer, isinakay sa aircraft ng Philippine Air Force ang labi ni Cadet 4CL Darwin Dormitorio pauwi sa pamilya niyo sa Cagayan de Oro City, Misamis Oriental.

Hindi na raw isinailalim sa cremation ang labi ng kadete, taliwas sa unang lumabas na ulat.

Kasama ng labi ni Dormitorio na bumiyahe pauwi ng Misamis Oriental ang kanyang pamilya na sinundo ng PMA patungong Baguio City.

Nangako naman ang akademiya ng tulong sa pamilya ng biktima hanggang maihatid ito sa libingan.