NAGA CITY – Malamig na bangkay na ng natagpuan ang 10-anyos gulang na batang babae sa isang liblib na lugar sa bayan ng Tayabas City, Quezon

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Maj. Mark Amat hepe ng Tayabas City PNP, sinasabing araw pa ng Miyerkules ng huling makitang buhay ang bata subalit Biyernes na ito ng makuha ng mga otoridad.

Ayon kay Amat, may pasa sa mukha ang bata na pinaniniwalaang ginahasa muna bago pinatay at tinapon sa liblib na lugar.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad habang nakatakda namang isailalim sa otopsiya ang bangkay nito para malaman ang totoong dahilan ng pagkamatay.

Samantala, kinumpirma naman ni Amat na may tinitingnan na silang person of interest sa likod ng naturang krimen.

-- Advertisement --