-- Advertisements --
241842489 10159528981794555 4781518758446513060 n

LEGAZPI CITY – Nasa state of decomposition na ng matagpuan ang isang bangkay sa Barangnay Bislig, San Andres, Catanduanes.

Batay sa report mula sa kapulisan, nadiskubre ng isang nagngangalang ”William” ang isang bangkay malapit sa kanilang bahay.

Agad naman itong ipinagbigay alam sa mga opisyales ng barangay at ipinaabot din sa San Andres Municipal Police Station.

Nakipag-ugnayan ang San Andres PNP sa Provincial Crime Laboratory Office para sa pagproseso sa lugar at sa Municipal Health Office para sa pagsasagawa ng Post-Mortem Examination subalit minabuti na ilibing agad ang bangkay.

Dahil nasa state of decomposition na ang labi,hindi na matukoy ang pagkakakilanlan maging ang kasarian nito.

Nakasuot ito ng kupas na puting long sleeve na may stripe at brown na pantalon at may tangkad na 5″1′ hanggang 5″4′.

Ang bangkay ang inilibing sa San Andres Public Cemetry bilang bahagi rin ng pagiingat pangkalusugan.