-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa natagpuang lalaki na binalot ng bedsheet at itinapon sa gilid ng kalsada sa Barangay Albasan, Numancia, Aklan.

Ang bangkay ay nakita ng isang estudyanteng menor de edad na napadaan sa naturang lugar.

Pinapaniwalaang biktima ito ng summary execution at pinahirapan muna bago pinatay dahil sa tadtad ng saksak ang katawan at puno ng dugo ang kanyang ulo.

Isang sling bag ang narekober sa lugar na naglalaman ng TIN card na may pangalang Jack Mererague, 41, at residente ng Guibongan Miag-ao, Iloilo.

Maliban dito, may nakita pang P6,000, isang bala ng 9mm at susi ng motorsiklo na nag-match sa nakitang abandonadong motorsiklo sa Barangay Tigayon, Kalibo.

Hindi pa matukoy ng pulisya ang motibo sa likod ng pagpatay.