-- Advertisements --
ROXAS CITY – Naaktuhan ng mga miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG)-Roxas ang bangkang pagmamay-ari ng isang pulis na nagsasagawa umano ng illegal fishing sa Barangay Olotayan, Roxas City.
Ito ang inihayag ni Lt. Commander Edison Diaz, ang station commander ng PCG-Roxas, sa interview ng Bombo Radyo.
Nahuli sa akto na nagsasagawa ng iligal na aktibidad ang bangkang pagmamay-ari ni Hernane Ignacio, 38-anyos ng Barangay Mongpong nitong lungsod.
Sakay ng bangka ang boat captain na si Arnel Caplasa, 42, kasama ang tatlo nitong crew na sina Jobert Alayon, 46; Histiso Caplasa, 46; Cristobel Tabuloc Sr., 45, pawang residente ng Barangay Libas.
Ayon kay Diaz, nahuli ang bangka sa layong 185 metros mula sa isla ng Olotayan.