-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Itinuturing ng Banga PNP na case closed na ang nangyaring masaker sa bahagi ng Prk. Pag-asa, Brgy. Rizal, Banga, South Cotabato na ikinasawi ng tatlong katao at ikinasugat ng tatlong iba pa.

Ito ang kinumpirma ni police Major Joseph Forro III , ang hepe ng Banga PNP sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Major Forro, nakahanda na ang mga kaso na isasampa sa suspek na si Gido Chemery Blatang o alyas Paul Bautista na may dalawang counts ng frustrated murder, apat na counts ng consummated murderat parricide dahil sa pagpatay sa kaniyang kabiyak na si Monlene Magno-Bautista.

Ayon kay Forro, case closed na ang naturang kaso dahil nag-iisa lamang ang suspek at maraming saksi at mga patunay ang nagtuturo kay Blatang na siya ang gumawa ng brutal na pananaga.

Sinasabing hatred due to family grudge ang tinitingnang motibo ng kapulisan sa paggawa ni Bautista ng krimen.

Sa ngayon patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa Glan PNP matapos nabatid na may kasaysayan rin si Blatang doon kung saan tinaga niya rin ang kaniyang manugang bago pumunta sa kanilang bayan, at patuloy na kumakalap ng dagdag na impormasyon kaugnay sa background nito.