Usap-usapan ang tila biglang nabalot na kontrobersya sa pagkamatay ng bokalista ng Pinoy hard metal band na Slapshock.

Jamir Garcia partner

Ito’y kasunod ng paglantad sa publiko ng partner ni Jamir Garcia sa pamamagitan ng Facebook Live video kung saan umiiyak bagama’t pagalit nitong sinabi na lalabas din ang katotohanan.

Ayon kay Jaya, gusto niyang idetalye ang mga pangyayari ngunit pipiliin na lamang na baunin ang magagandang alaala na nasira dahil sa mga taong inggit.

Walang nabanggit na pangalan sa akusasyon ni Jaya, ngunit naghamon ang kabanda ni Jamir na si Lee Nadela na magharap na lamang daw sila sa korte para sa mga ebidensya.

Slapshock wife 5

Nabatid na dahil sa isyung pinansyal ay nahaharap sa reklamo ang bokalista ng Slapshock na silang nasa likod ng mga awitin na “Agent Orange”, “Salamin”, “Luha”, “Adios” at maraming iba pa.

Ang nasabing reklamo ay inihain daw mismo ni Nadela at pinsan ni Jamir na si Jerry Basco.