-- Advertisements --
Bumagsak ang Francis Scott Key Bridge sa Baltimore sa Amerika ngayong araw matapos bumangga ang isang malaking cargo ship sa haligi ng tulay.
Agad na bumigay ang tulay at nabagsakan maging ang barkong nasa ilalim nito.
Wala pang datos ang Maryland Transportation Authority kung may nasaktan sa insidente. NGunit ayon sa Baltimore City Fire Department ay mayroong ilang mga sasakyan at higit 20 katao ang pinaniniwalaang nalaglag sa Patapsco River.
Ang Francis Scott Key Bridge ay isang steel arch-shaped na tulay na may habang 1.6-mile.
Sa ngayon ay nakalatag na ang iba’t ibang ahensiya sa lugar para sa ginagawang rescue operations.