-- Advertisements --

Isasagawa ang ballot feeding sa Philippine Consulate sa New York tuwing araw ng Lunes at Huwebes dahil sa inaasahang pagdami ng mga magsusumite ng mga ballot envelopes sa mga susunod na araw.

Sisimulan ang pagproseso ng Konsulada sa mga boto sa oras na alas-9 ng umaga sa kalayaan Hall ng Philippine Center.

Sa inilabas na advisory ng foreign service post , lahat ng accredited watchers, media entities at election observers na nais na magobserba sa ballot feeding ng personal ay pinapaalalahanan na sumunod sa regulasyon ng Commission on elections sa pagpresenta ng mga papeles sa Special Board of election inspectors , magsuot ng IDs sa loob ng Philippine Center at sumunod sa pinaiiral na health protocols ng Philippinje consulate.

Maalala na noong nakalipas na linggo, pansamantalang sinuspendi ang ballot feeding activity matapos na magkaroon ng technical issue sa isang Vote Counting Machine(VCMs).