-- Advertisements --

Inanunsyo ni Deputy Bali governor Tjokorda Oka Artha na simula bukas ay muling bubuksan ang probinsya ng Bali, Indonesia para sa mga domestic tourists na nagnanais bumisita rito.

Maaari na ring puntahan ng mga turista ang iba’t ibang natural at cultural tourist spots ngunit hindi muna babalik sa operasyon ang mga entertainment estalishments tulad ng nightclubs at karaoke lounges.

“Nightclubs are not allowed [to reopen] yet. Bali offers a lot [of other tourist destinations] like natural or cultural [tourist spots],” paliwanag ni Tjokorda.

Nakahanda na rin aniya ang mga hotel at resort sa Bali upang mag-organisa ng mga business meetings.

Kasalukuyang nakikipagtulungan ang Bali administration sa Denpasar Indonesian Fine Arts Institute (ISI) para magsagawa naman ng “kecak”, isang tradisyunal na sayaw na lalahukan ng daan-daang mananayaw.

Ayon pa kay Tjokorda, may three-phase plan na inihanda ang nasabing administrasyon sa pagluwag ng umiiral na restrictions para salubungin ang mga turista sa isla.