-- Advertisements --
Hindi ikinaila ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Remulla na malaki ang tsansa na magkaroon ng balasahan sa Bureau of Corrections.
Ito ay dahil sa magkakasunod na insidente ng kontrobersiya.
Sinabi nito na patuloy ang ginagawa ng BuCor ng pagbabaklas ng mga iligal na kobol sa loob ng New Bilibid Prison sa lungsod ng Muntinlupa.
Dahil aniya sa pagiging maluwag ng seguridad ay hindi magdadalawang isip ang kalihim na magpatupad ng ikalawang round ng balasahan.
Ilan sa mga isyu na kinakaharap ng BuCor ay ang pagtakas ng inmate na si Michael Cataroja mula pa noong Hulyo na kamakailan ay naaresto rin ito.