-- Advertisements --
Mr. Gay4

BUTUAN CITY – Unti-unti nang nakilala sa buong mundo ang pre-colonial boat nitong Lungsod ng Butuan at buong Pilipinas na balangay boat.

Ito’y matapos tanghaling third placer bilang best design sa Amsterdam Canal Pride Parade 2019 na isinagawa sa Netherlands.

Ito ang unang pagsali ng mga Pinoy sa nasabing gay pride parade gamit ang balangay boat, ang sasakyang pandagat na ginamit ng mga Butuanon bago madiskubre ang Pilipinas.

Nanguna si Mr. Gay World 2019 Philippines Janjep Carlos, ang contingent ng Filipino LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender) Europe, sa pagsali sa boat sailing competition kung saan kanilang nakaharap ang 79 iba pang international boats.

Napili ng mga Pinoy organizers ang balangay boat upang maitugma sa tema ngayong taon na “Remember the past, create the future.”

Ang tema ay sumasariwa sa Stonewall riots na naganap sa New York 50 taon na ang nakalipas, at bumuo ng decisive moment sa kasaysaysan ng LGBT movement sa buong mundo.