Nagpahiwatig ng kawalan ng pag-asa ang dating TV host/video jockey na si Katherine “Kat” Alano noong kainitan ng pagiging rape victim sa edad lamang na 19.

Sagot ito ng ngayo’y 34 years old na si Alano matapos ulanin ng tanong kung bakit hindi naghain ng reklamo kasunod ng pag-ungkat muli sa naranasang panggagahasa.

Hindi pinangalanan pero itinago lang nito sa #rhymeswithwrong ang umano’y sikat na celebrity na gumahasa sa kanya sa kabila ng pagsusuot ng T-shirt at jeans.

Ayon kay Alano, binalaan kasi siya ng tiyuhin ng naturang sikat na celebrity na mababasura lang ang mga kaso isasampa nito at sisiraan din sa publiko upang manahimik.

Kat Alano explains

Ang paglantad muli ni Alano ay bilang pakikiisa sa apela na huwag sisihin ang mga nabibiktima ng anumang uri ng sexual assault na kadalasan ay ibinabase sa pananamit.