-- Advertisements --
Itinanggi ng Ukraine military na nasakop na ng Russia ang isa nilang rehiyon na Bakhmut.
Ayon sa Armed Forces of Ukraine na nagiging sentro ng labanan ngayon ang Bakhmut kung saan patuloy ang ginagawang pagpapakawala ng bomba ng Russia.
Tinamaan ang karamihang mga residential at mga paaralan sa nasabing lugar kung saan maraming mga sibilyan ang nasugatan.
Patuloy ang pagharang ng Ukrainian army sa nasabing lugar habang ito ay binobomba ng Russia.
Pinasalamatan naman ni Ukraine President Volodymyr Zelensky ang mga sundalo na nagtatanggol sa kanilang bansa.
Magugunitang ipinagmalaki ng Russian mercenary group na Wagner na kanilang nasakop na ang Bakhmut region.