-- Advertisements --

Pinasok ng hindi pa kilalang kawatan ang bahay ng boksingerong si Terence Crawford.

Ayon sa boksingero nadiskubre na lamang niya ang insidente pagbalik niya sa bahay niya sa Nebraska.

Ilan sa mga nakuha diot ay ilang daang libong dolyar, mga alahas kabilang ang dalawang mamahaling relo.

Sa imbestigasyon ng Douglas County Sheriff’s Office na maaring naganap ang insidente mula Marso 17 hanggang 20 kung saan wala ang boksingero sa bahay nito sa Omaha.

Humingi ng tulong ang boksingero sa publiko at handa aniya itong magbigay ng pabuya sa sinumang makapagbigay ng impormasyon sa mga nasa likod ng pagnanakaw.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na ninakawan ang boksingero dahil noong Oktubre 2021 ay napasok na rin ang kaniyang bahay.

Mayroong record na 39 panalo at walang talo si Crawford na siyang nasa listahan ng best pound-for-pound boxers sa buong mundo.

Inatasan ito ng WBO na idepensa ang welterweight title nito laban kay Alexis Rocha subalit maraming fans ang nanawagan na dapat na ang makaharap nito ay ang Hall of Fame fighter Errol Spence.