ILOILO CITY – Pinasok at ninakawan ng mga armadong lalaki ang bahay ng alkalde ng Ajuy, Iloilo sa Barangay Central sa nasabing bayan.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Ajuy Mayor Jett Rojas, sinabi ng opisyal na nagtataka ito kung paano nalooban ang kanyang bahay dahil mayroong apat na tao na naiwan upang magbantay habang siya ay nasa Metro Manila.
Ayon sa kanya, walang bakas na pinuwersang pinasok ang bahay ng alkalde dahil wala namang nagulo sa bahay maliban lamang sa vault ng kanyang asawa na wala ng laman kung saan nakalagay ang pera, singsing at relo.
Posible ani Rojas na kilala niya ang mga suspek na pumasok sa kanyang bahay dahil alam nito kung saan nakalagay ang kanilang gamit at mga alahas.
Sa ngayon, patuloy ang imbestigasyon ng Ajuy Municipal Police Station sa nangyaring pagnanakaw sa bahay ng alkalde.