-- Advertisements --

ODESA, Ukraine — Napinsala ang isang matataas na gusaling tirahan sa Black Sea port city ng Odesa matapos ang panibagong air attack ng militar ng Russia nitong madaling araw ng Hwebes.

Ayon kay Serhiy Lysak, ang pinuno ng military administration sa lugar, umabot sa walong katao ang naitalang sugatan at nagtamo ng iba’t ibang sugat sa katawan dulot ng nasabing pag-atake.

Ipinahatid ni Lysak ang ulat sa pamamagitan ng Telegram messaging app habang patuloy na inaalam ang kabuuang pinsalang idinulot ng pagsabog sa mga karatig-estruktura.

Samantala, inihayag din ng isang saksi na nakarinig ng malakas na pagsabog sa kabisera ng Ukraine na Kyiv nitong Miyerkules sa gitna ng walang humpay na serye ng mga airstrike ng Russia sa buong rehiyon.