-- Advertisements --

Hindi nasasakripisyo ang demokrasya ng bansa sakaling manalo sa speakership race ang anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Davao City Rep. Paolo Duterte.

Ayon kay Majority Leader Fredenil Castro, hindi naman aniya babastusin ng nakababatang Duterte ang mga insitusyon ng pamahalaan sakaling manalo siya sa speakership race.

Ito aniya ang kagandahan na mayroon ang demokrasya dahil hindi madidikuwalipika ang kongresista dahil lamang sa anak siya ng Presidente.

“It is the beauty of democracy because everybody is given a chance, he is not judged because of his relationship, he will be judged on the basis of his actions” saad ni Castro.