-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Niyanig ng magnitude 5.5 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental.

Sa datos mula sa PHIVOLCS (Philippine Institute of Volcanology and Seismology), naitala ang sentro ng pagyanig sa layong 187 kilometro sa timogsilangan sa bayan ng Sarangani sa nasabing lalawigan dakong alas-3:13 ng madaling araw.

May lalim itong 130 kilometro at “tectonic” ang pinagmulan.

Nakapagrehistro ng “instrumental” Intensity II sa Tupi, South Cotabato; mga bayan ng Alabel at Malungon, Sarangani Province; at Intensity I naman sa General Santos City, Kiamba Sarangani Province at Koronadal City

Asahan pa umano ang aftershocks matapos ang lindol.

Sa ngayon ay wala pa namang naiulat na namatay o nasirang ari-arian doon sa sentro ng lindol.