-- Advertisements --
Patuloy ang paglapit ng Tropical Depression “Salome” patungong kanluran-timog kanluran sa karagatang silangan ng Taiwan.
Tinatayang nasa layong 215 km hilaga-hilagang silangan ng Itbayat, Batanes ang sentro ng bagyo.
Ang lakas ng hangin nito ay umaabot sa 55 km/h malapit sa gitna at ang bugso naman ay 70 km/h.
Ang bilis ng galaw nito ay nasa 10 km/h patungong kanluran-timog kanlurang direksyon.
Sa ngayon, umaabot na ito hanggang 200 km mula sa gitna.
Tropical Cyclone Wind Signal No. 1
Batanes
Kanlurang bahagi ng Babuyan Islands (Calayan at Dalupiri)
Hilagang-kanlurang bahagi ng Ilocos Norte (Bangui, Pagudpud, Burgos, Pasuquin, Bacarra, Laoag City)