-- Advertisements --

Napanatili ng bagyong Ramon ang lakas nito habang tinatahak ang Northern Aurora.
Batay sa monitoring ng PAGASA, nakita ang sentro ng bagyo sa may 475 km silangang bahagi ng Baler, Aurora o 415 km ng Casiguran, Aurora.
May dalang lakas ng hangin ng hanggang 65 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugso ng hanggang 80 kph.
Ibinaba na sa signal number 1 mula sa signal number ang Catanduanes.
Tinanggal na rin ang Tropical Cyclone Warning Signal number 1 sa Camarines Norte, Camarines Sur at Albay.
Nagbabala pa rin ang ahensya na delikado pa rin sa mga mangingisda ang pumalaot dahil sa laki ng alon.










