-- Advertisements --
pagasa

Nakalabas na sa teritoryo ng bansa ang bagyong Quiel.

Ayon kay Pagasa Weather Specialist Meno Mendonza, dakong alas-5:00 kaninang madaling araw nang makalabas sa sakop ang bansa ang naturang bagyo.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 590 km sa kanluran ng Coron sa Palawan.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hangin na 120 kph at pagbugsong 150 kph.

Mabagal naman itong kumikilos sa direksiyong pa-kanluran at tinatahak ang bansang Vietnam.

Samantala, patuloy namang makakaapekto sa hilagang Luzon ang tail-end of a cold front.

Makakaranas din ng maulap na papawirin at kalat kalat pag-ulan sa Ilocos region, Cordillera at Cagayan Valley.