-- Advertisements --
Patuloy ang paglayo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong PAENG.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nakita ang sentro nito sa may 455 kilometers timog ng Sinait, Ilocos Sur.
May taglay pa rin ito na lakas ng hangin ng hanggang 110 kilometers per hour at pagbugso ng hanggang 135 kph.
Napanatili naman ng bagyong Queeni ang lakas nito habang gumagalaw ng west northwestward.
Nakita ang sentro ng bagyong Queenie sa 635 kilometers ng silangan ng Davao City.
Mayroong taglay na hangin ng 65 kph at pagbugso ng 80kph.
Sa mga susunod na 24 na oras ay maaring magkaroon na ng epekto sa karagatan ng bansa ang nasabing bagyo.