-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Balik na ang biyahe ng mga sasakyang-pandagat sa Matnog Port matapos na tuluyan ng tanggalin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Sorsogon dulot ng Bagyong Ofel.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Jan Arthur Primo, head ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office-Matnog, makakabiyahe na ang aabot sa mahigit 400 stranded passengers sa naturang pantalan.

Una nang tiniyak ng Philippine Coast Guard-Matnog na itutuloy ang biyahe ng mga ito sa oras na alisin na ang warning signals at tuluyan nang bumuti ang lagay ng panahon.

Aniya hindi naman gaanong naramdaman ang epekto ng Bagyong Ofel sa kabila ng pangalawang landfall sa bayan ng Matnog.

Tanging naranasan lang ang mahinang mga pag-ulan.

Inihayag din nito na dahil sa epekto ng coronavirus pandemic ay kakaunti lamang ang bilang ng mga stranded passengers kompara sa normal na biyahe.