-- Advertisements --
Inaasahang lalakas pa sa mga susunod na araw ang tropical storm Inday na may international name na Muifa.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,055 km sa silangan ng Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 75 kph at may pagbugsong 90 kph.
Kumikilos ito nang pakanluran sa bilis na 20 kph.
Hindi naman inaasahang magkakaroon ng landfall ang bagyo sa alinmang bahagi ng ating bansa.