-- Advertisements --
image 11

Bahagyang bumilis ang bagyong Ester habang papalabas ito sa Philippine area of responsibility (PAR).

Dahil dito, posibleng bukas ay nasa labas na ito ng karagatang sakop ng Pilipinas.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 575 km sa silangan ng Itbayat, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.

Kumikilos ang bagyo nang pahilaga habang papalayo sa kalupaan ng Pilipinas.

Ang ibang bahagi naman ng ating bansa ay nakakaranas ng ulan dahil sa hanging habagat.