-- Advertisements --
Lalo pang lumakas ang bagyong Domeng sa nakalipas na mga oras.
Ayon sa Pagasa, nasa tropical storm category na ito o ikalawang level ng isang sama ng panahon.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 975 km sa silangan ng extreme Northern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 75 kph at may pagbugsong 90 kph.
Kumikilos ito nang pahilaga sa bilis na 15 kph.
Dahil sa paglakas ng bagyong Domeng, lumakas din ang paghatak nito sa hanging habagat na nagdadala ng ulan sa ilang bahagi ng ating bansa.