Nananatiling nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa Batanes ngayong patuloy na kumikilos papuntang norte ang Tropical Depression Ambo.
Base sa 11 a.m. bulleting nito, sinabi ng Pagasa na inaasahan ang katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa Batanes, habang mahina hanggang sa katamtaman naman na paminsan-minsan ay malakas na pag-ulan sa Babuyan Islands.
Mapanganib pa rin ang paglayag, lalo na ng mga maliliit na bangka, sa baybaying bahagi na sakop ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 ayon sa Pagasa.
Kaninang alas-10:00 ng umaga, namataan ang Bagyong Ambo sa layong 210 kilometers northwest ng Calayan, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometers per hour at pagbugso na aabot naman sa 55 km/hr habang kumikilos papuntang norte sa bilis na 20km/hr.