-- Advertisements --
image 98

Nabuo na ang low pressure area (LPA) sa silangan ng Pilipinas bilang kauna-unahang bagyo ngayong 2023 at tinawag ito bilang bagyong Amang.

Sa data ng Bombo Weather Center huli itong namataan sa layong 475 km sa silangan ng Virac, Catanduanes.

Dahil dito, nakataas na ang tropical cyclone wind signal number one (1) sa Catanduanes, pati na sa northern portion ng Eastern Samar, partikular na sa Taft, Can-Avid, Sulat, Dolores, Oras, Arteche, San Policarpo, Jipapad, Maslog, San Julian AT eastern portion ng Northern Samar, partikular na sa Catubig, Lapinig, Gamay, Mapanas, Palapag, Laoang, San Roque, Pambujan at Mondragon.

Inaasahang lalakas pa ito at magdudulot ng mga pag-ulan sa Bicol at Eastern Visayas, bago pa man ang inaasahang landfall sa mga susunod na araw.