-- Advertisements --

Lumakas pa sa nakalipas na mga oras ang bagyong nasa silangan ng ating bansa.

Ayon sa ulat ni Shelly Ignacio ng Pagasa forecasting center, huling namataan ang sama ng panahon sa layong 2,070 km sa silangan ng Central Luzon.

May taglay itong lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.

Mabagal itong kumikilos nang pahilagang kanluran at patungo sa Bicol region.

Inaasahang papasok ito sa Philippine area of responsibility (PAR) mamayang gabi o bukas ng umaga.