-- Advertisements --
Patuloy ang paggalaw papalapit sa Philippine area of responsibility ng bagyong nasa silangan ng ating bansa.
Ayon sa Pagasa, huli itong namataan sa layong 1,780 km sa silangan ng Bicol region.
Taglay ng sama ng panahon ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.
Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 15 kph.
Dahil sa patuloy na pag-usad, pinalalakas ng bagyo ang pag-iral ng habagat.
Babala ng Pagasa, maghanda ang mga nasa western section ng bansa sa posibleng mga pagbaha.