-- Advertisements --
Nabuo na bilang ganap na bagyo ang dating low pressure area (LPA) sa silangan ng Visayas.
Binigyan ito ng Pagasa ng local name na “Jolina,” bilang ika-10 bagyo na nabuo o pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR).
Huling namataan ang naturang sama ng panahon sa layong 310 km sa silangan timog silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 45 kph at may pagbugsong 55 kph.
Kumikilos ito nang pakanluran timog kanluran sa bilis na 20 kph.
Dahil dito, nakataas ngayon ang tropical cyclone wind signal number one (1) sa Eastern Samar, Dinagat Islands, Siargao Islands at Bucas Grande Islands.