-- Advertisements --

Binabantayan ngayon ng Pagasa ang isang bagyong nabuo sa Pacific Ocean, partikular na sa layong 2,265 km sa silangan ng Central Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.

Kumikilos ang sama ng panahon ng mabagal sa direksyong pahilaga hilagang kanluran.

Sa ngayon, malayo pa ito sa Pilipinas at wala pang anumang epekto, kahit sa loob ng mga susunod na araw.

Samantala, isang low pressure area (LPA) naman ang namataan sa layong 845 km sa silangan ng Itbayat, Batanes.