ILOILO CITY – Umabot na sa halos P200 milyon halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura sa Western Visayas kasunod ng pananalasa ng bagyong Agaton.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay James Ogatis, spokesperson ng DA Region 6, sinabi nito na nasa P189,600,669 ang production loss sa mga pananim at livestock sa rehiyon.
Ayon kay Ogatis, sa rice sector naitala ang pinakamatinding pinsala kung saan nasa P176.2 million ang halaga ng estimated damage.
Sunod rito ang livestock and poultry na may P7.4 million na halaga ng production loss.
Nasa P3.019 million naman ang estimated worth of damage sa high value crops at P2.4 million sa mais.
Ayon pa kay Ogatis, partial data pa lamang ito sapagkat may nga LGUs pa na hindi nakapag-submit ng report dahil sa matinding epekto ng pagbaha.