Sa pagbubukas ng parada at seremonya ng Panagbenga Festival 2024, ang kalsada ng Baguio City ay dagsa ng mga residente na suot ang traditional costumes at flower themed outfits.
Sa temang “Celebrating Traditions, Embracing Innovation,” nagdiwang ang mga taga-Baguio sa pamamagitan ng masiglang musika at sayawan.
Nagsimula ang seremonya sa isang parade assembly at community prayers ng madaling araw, na sinundan ng parada dakong alas-8 ng umaga sa Panagbenga Park sa South Drive at nagmartsa hanggang sa Melvin Jones Grandstand at Football Grounds.
Dumalo sa parada ang Philippine Military Academy Band kasama ang PMA Cadets, Miss Universe Philippines Baguio Tarah Valencia, at mga opisyal ng lokal na pamahalaan.
Una rito, tuwing Pebrero, ipinagdiriwang ng Baguio ang Panagbenga.
Ang salitang “Panagbenga” ay nagmula sa Kankanaey dialect, na isinalin sa Ingles bilang “season of blooming.”