Nangako ang bagong PNP regional director ng Central Luzon na si Police Brigadier General Rogelio Peñones na kanyang pag-iigihan ang trabaho para matiyak ang pagkakaroon ng ligtas ay mapayapang Central Luzon.
Ginawa nito ang mensahe kasunod ng pagsasalin ng kapangyarihan ni Police Brigadier General Jean Fajardo kay Peñones bilang bagong regional direktor ng Police Regional Office 3.
Ang turnover ceremony ay pinangunahan ni Deputy Chief PNP for Administration, Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. bilang kinatawan ni PNP Chief, Police General Nicolas Torre III.
Isinagawa ang pagsasalin ng kapangyarihan sa Kampo Olivas sa lalawigan ng Pampanga.
Matapos ang isinagawang balasahan sa mga opisyal ng PNP , manunungkulan na si Fajardo bilang bagong pinuno ng Directorate for Comptrollership.
Si Peñones ay una nang nagsilbi bilang Deputy Regional Director for Administration ng National Capital Region Police Office .