-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Pinuri ng Office of the Civil Defense o OCD si Kidapawan City Mayor Joseph A. Evangelista sa aktibo nitong pagpapatupad ng mga hakbang laban sa COVID-19.

Mismong si OCD 12 Regional Director Minda Morante ang nagbigay ng papuri matapos ang turn-over ceremony ng bagong P10 Million Temporary Treatment and Monitoring Facility o TTMF mula sa ahensya patungo sa City Government ng Kidapawan.

Naitayo ang 16-bed capacity na TTMF gamit A

ang pondo ng OCD dahil na rin sa pagsisikap ni Mayor Evangelista na mabigyan ng sapat at komportableng lugar pagamutan ang mga nagkakasakit ng COVID-19 partikular na ang mga moderate Covid cases sa lungsod, ayon pa kay Director Morante.

Bawat silid ay para sa iisang pasyente lamang at may sariling aircon at palikuran para matiyak na comfortable ang magpapagaling sa TTMF.

Bukod pa sa libre na ang pagkain at gamot ng mga pasyenteng magpapagamot sa pasilidad, ay siniguro ng City Government na maayos ang kanilang kalagayan sa panahon ng treatment na makakatulong naman sa mabilis nilang paggaling, ito ay ayon pa kay Dr. Thaddeus Averilla, na siya namang namamahala sa TTMF.

Itinayo ang nabanggit na pasilidad sa lote ng City Government sa Barangay Nuangan, Kidapawan City.

Ito ay na katabi lamang ng naunang TTMF na nagmula naman sa Department of Health at ang malapit ng magbukas na Biomolecular Laboratory.